ManilaStatues.com

Salvador Doy Laurel Monument on Roxas Boulevard

Salvador Doy Laurel Monument on Roxas Boulevard
Salvador Doy Laurel Monument on Roxas Boulevard Salvador Doy Laurel Monument on Roxas Boulevard

� Salvador "doy" Laurel 1928- 2004

isinilang noong 18 nobyembre 1928, sa paco maynila

anak nina Dr. Jose P Laurel, pangulo ng pilipinas noong ikalawang digmaan pandaigdig, at dona paciencia hidalgo - laurel ng tanauan, batangas .naging pangalawang pangulo ng pilipinas (25 pebrero 1986 -30 hunyo 1992) tinalikuran ang hangaring maging pangulo ng pilipinas sa ginanap na halalan noong pebrero 1986 upang matiyak ang pagkabuwag ng diktaduryang nag hahari sa pilipinas noon,

bilang pangulo ng pambansang komisyon ng ika-100 taon ng kasarilan ng pilipinas sinariwa niya sa isipan ng bawat pilipino ang kabayanihan ng ating mga ninuno at muling pinag-alab sa kanilang damdamin ang tunay na diwa ng kasarinlan at pagkamakabayan.

inilaan ang sarili sa paglilingkod sa bayan, ng buong puso, husay, katapatan at kalinisan na ang tanging gabay ay "ang bayan higit sa lahat"

komisyong pangkasaysayan at pamana ng maynila ika 18 ng nobyembre 2009

0 Comments

No comments so far; be the first to post a comment!

New Comment

or