![]() |
Benigno s. aquino.jr.
"ninoy"
(1932- 1983)
isinilang sa concepcion. tarlac. 27
nobyembre 1932. cub reporter. the
manila time. 1949.correspondent
sa digmaan sa korea. 1950- 1951.
ginawaran ng philippine legion of
honor ni pangulong Elpidio R.qurino.
1951. at� ni pangulong Ramon f.
Magsaysay. 1954. negosyador sa muling
pagsailalim sa batas ni hukbalahap
supremo Luis Taruc. 1954. punong
bayan ng concepcion.tarlac. 1955.
pangalawang punong lalawigan ng.
tarlac. 1959; punong lalawigan. 1961�
senador. 1967. ibinilanggo matapos
ideklara ang martial law ni pangulong
Ferdinand E. Marcos. 23 setyembre
1972. hinatulan ng kamatayan ng
hukumang militar sa salang subersiyon.
ilegal na pag -iingat ng sandata
at pagpatay. 1977. pinahintulutang
magtungo sa estados unidos upang
magpagamot. 1980; pinaslang nang
bumalik sa pilipinas, 21 agosto 1983
PANGULONG MARIA CORAZON "CORY" AGUINO (1933-2009
�
ang bantayog na ito ay ipinagawa ni alfredo
s. lim, alkalde ng maynila para manatiling
sariwa at buhay sa puso at isip ng bawat taong
nagpapahaga sa demokrasya at kalayaan
ang walang katulad na nagawa ng pangulong
maria corazon "cory" cojuangco- aquino.
�
walang takot na kumakandidatong pangalulo si
tita cory sa ilalim ng bandila ng oposisyon
sinagisag ng kanyang kabiyak na si senador
Benigno S. Aquino.JR. na pinaslang nang umuwi sa
pilipinas sa ginawang mapayapang himagsikang
nakilala bilang edsa people power 1 ng 1986�
na nagpabagsak sa diktatura� at nagluklok kay
kay tita cory bilang ika-11 pangulo ng republika
ng pilipinas at kauna-unahang babaing
pangulo sa buong asya. tinagurian siya na
ina ng demokrasya; tumanggap ng gawad
Ramon Magsaysay para sa pandaigdig na
pagkakaunawaan noong 1988: napili ng time
magazine bilang "womam of the year" ng 1986
at nahanay sa "20 most influential asians"
ng ika-20 dantaon noong 1999.
�
sa maynila isinilang si pangulong aquino
noong ika-25 ng enero 1933. binawian siya
ng buhay noong unang araw ng agosto. 2009.
�
pinasinayaan: enero 25. 2010.